-- Advertisements --
VIGAN CITY – Matagumpay ang isinagawang Dugong Bombo Blood Letting Activity sa Brgy. Patpata, Candon City kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na maidaraos ang aktibidad sa syudad.
Ang aktibidad ay sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Bombo Radyo Vigan, Candon City-LGU at ng Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang.
46 ang total successful blood donors sa katatapos na aktibidad bilang bahagi ng new normal blood letting activity kung saan maraming residente ang nakibahagi ngunit sa kasamaang palad ay may mga iba ring hindi na-qualify na magdonate ng dugo.
Gayunman, mayroon nang 626 na kabuuang bilang ng mga successful blood donors mula sa walong lugar na pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2021.