-- Advertisements --
image 472

Inanunsiyo ngayong araw ng Department of Tourism (DOT) na nakatakda nitong ilunsad ang kauna-unahang electronic visa (e-visa) system para sa mga turista mula sa China at India.

Sa pamamagitan ng e-visa system, papayagan ang mga turista mula sa dalawang bansa na mag-apply at makakuha ng visa online na magpapabilis sa visa applications process at maging mas convenient para sa mga turista na bibisita sa bansa.

Ayon sa ahensiya, ipapatupad ang e-visa system ng kada phases kung saan ang mga Chinese at Indian na turista ang napili para sa pilot phase.

Ang mga turistang intsik ang unang mabebenipisyuhan mula sa e-visa system at magiging available naman ito para sa mga turistang Indian sa katapusan ng 2023.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, magpapaganda sa travel experience ng inbound travelers ang bagong sistema gayundin sa mga turista at magkakaroon ng positibong epekto sa international arrivals lalo na sa Chinese at Indian markets.

Maaaring maaccess ang e-visa system sa website ng Departmen of Foreign Affairs para mag-apply at maaring magbayad ng visa fee sa pamamagitan ng credit card o debit card.

Ang bisa naman nito para sa single entry para manatili sa bansa ay hanggang 30 araw.