CENTRAL MINDANAO-Magiging pinakaunang magpapatupad ng Electronic Business Processing and Licensing System o e-BPLS ang City Government of Kidapawan sa buong SOCCSKSARGEN o Region 12.
Tugon ito ng national government para mapabilis ang pagkuha ng lisensya ng mga negosyante bilang bahagi ng Ease of Doing Business Campaign ng Duterte Administration.
Sa ilalim ng sistemang ito ay magiging online o computerized na ang pagkakaroon ng business permit mula sa City Government pagsapit ng Hulyo 2021.
Napili ng Department of Trade and Industry ang Kidapawan City na unang magpapatupad ng e-BPLS dahil na rin sa matatag at lumalagong ekonomiya nito sa kabila ng pagtama ng October 2019 earthquakes at ang nagpapatuloy na krisis na dala ng Covid19 pandemic.
Sa lungsod ginawa ang launching ng kauna-unahang e-BPLS ngayong araw, June 11, 2021 kung saan ay magkatuwang dito ang City Government, Department of Trade and Industry, Department of Information and Communication Technology, Department of the Interior and Local Government at ang Anti Red Tape Authority o ARTA.
โ Makakatulong ng malaki ang e-BPLS sa mga business owners dahil bukod pa sa mas mabilis ang pagkakaroon ng business permit, mas makakatipid pa sila sa gastos sa pagpunta sa ibaโt-ibang mga ahensya ng gobyerno para iproseso itoโ, ayon kay City Mayor Joseph Evangelista.
Sa kasalukuyan ay partially computerized pa ang pagpo-proseso ng mga business permits sa City Government kung saan ay online na ang pagpapatupad nito sa mga new business application samantalang manual pa muna ang renewals.
Sa pamamagitan ng online system na dinisenyo ng DICT, ay ipapasok na ng City Government ang lahat ng mga rehistradong business establishments sa e-BPLS.
Gagawin na lamang ng mga business owners na rehistrado na sa City Governemnt na pumasok sa e-BPLS at iproseso online ang kanilang application at magbabayad na lamang sila ng kanilang bayarin sa City Treasurerโs Office sa panahon ng renewal.
May 3,968 na mga rehistradong business establishment sa lungsod sa kasalukuyan, ayon pa sa Business Processing and Licensing Office ng City Government.
Nasa 568 ang mga bagong negosyo samantalang 3,404 ang mga nag renew ng kanilang permit.
Tumaas ang bilang kumpara noong 2020 na nakapagrehistro ng 3,465 na bilang ng mga negosyo dahil na rin sa epekto ng October 2019 na lindol at pagsisimula ng Covid19 pandemic.