Nakarating na sa Jeddah ang mga kauna-unahang evacuees na lumikas mula sa kaguluhan sa Sudan.
Damaong ang barkong lulan ang 50 Saudi citizens doong sa Red Sea port ng Jeddah kasama ang ilan pang mga ibang lahi mula sa ibang bansa.
Inaasahan rin na mayroon pang dadating na 108 katao na iba-iba ang lahi mula sa bansang Sudan.
Ipinakita rin ang video footage ng paparating na barko kung saan ang ilang mga kababaihan at kabataan ay dala dala ang watawat ng Saudi.
Inihatid raw gamit ang convoy ng mga sasakyan itong evacuees papuntang port Sudan upang makabalik sa Jeddah.
Kung matatandaan, marami na ang nasawi sa nangyayaring kaguluhan sa gitna ng hukbo ni army chief Abdel Fattah al-Burhan at kanyang dating deputy na ngayon ay naging kanyang kalaban na si Mohamed Hamdan Daglo na pinamumunuan ang paramilitary Rapid Support Forces.
Malalakas na pagsabog, pagpapaulan ng bala ng baril at maging mga fighters jets ang nagsisipagkalat sa iba’t ibang bahagi ng Sudan capital.