LA UNION – Inilunsad ang kauna-unahang flight tour package mula San Fernando La Union to Basco Batanes, noong April 5, 2019 kasabay nang pagbubukas ng ika-walong taong Sillag Festival 2019.
Ang nasabing flight ay tumagal ng isa’t kalahating oras.
Gayunman, sa Enero 2020 pa magiging full-blast ang operation sa nasabing ruta mula sa San Fernando airport.
Ang Sillag Festival (Festival of Lights) na taun-taon isinasagawa sa Poro Point bay walk ay hango sa Ilocano word na “sellag,†na ang ibig sabihin ay “moonbeam†o liwanag ng buwan.
Kung kaya’t lahat ng mga aktibidad gaya ng fun run, street light dancing competition with light emitting performance, air show, lights parade, pyromusical show, at iba pa ay ginaganap lamang paglubog ng araw o sunset.
Ang Sillag Festival ay katumbas ng Panagbenga Flower Festival sa Baguio City at Hot Air Balloon Fiesta sa Clark, Pampanga na parehong crowd-drawing events sa North Luzon.