-- Advertisements --

Tuloy na sa Disyembre 19 ang kauna-unahang fluvial parade ng mga pelikulang kalahok ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Benhur Abalos, ang fluvial parade ay siyang papalit sa nakagawian na motorcade o parada ng mg artista.

Sa pamamagitan nito ay maipapakita ang ferry service ganon din ay manghihikayat sa publiko na tangkilikin ang pagsakay sa mga ferry services.

Ang ferry service ay mula sa Pinagbuhatan Pasig hanggang sa Escolta, Maynila.

Ang mga ferry service na lulan naman ng mga artista ay magsisimula sa Guadalupe Ferry Station hanggang sa Makati circuit na siyang magsisilbing drop-off point ng MMFF guests at participants.

Magugunitang mayroong walong pelikula ang kalahok sa MMFF ngayong taon.