-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture ang plano nitong pagtatayo ng kauna-unahang food hub sa lungsod ng Marikina.

Ayon sa ahensya, malaki ang maitutulong nito upang maihatid ng direkta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa mababang halaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na ang naturang proyekto ay isang plano ng ahensya na magpapalakas sa supply chain.

Matitiyak rin nito na magiging sapat ang suplay ng mga agricultural products sa mababang presyo.

Sa ngayon, patuloy na pinaplansta ng DA ang isang joint venture o long-term lease para sa isang isang ektaryang lupa.

Ayon sa ahensya, ang magiging lokasyon ng natitang hub ay BFCT Bagsakan Center sa lungsod.

Umaasa naman ang DA na matatapos na ang nagpapatuloy na konstruksyon ng kanilang mga pangunahing pasilida katulad na lamang ng mga cold storage at dry warehouses.

Ito ay maaari aniyang makumpleto sa loob lamang ng 12 buwan.