-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinagdiriwang ngayon sa lungsod ng Baguio o City of Pines ang kauna-unahang Ibaloi Festival at ito ay magtatapos sa Abril 22.

Ayon kay Onjon ni Ivadoy President Franklin Cocoy, sa pamamagitan ng okasyon ay maipapakilala ang mayaman na kultura at ang abilidad ng mga Ibaloi.

Kilala ang mga Ibaloi bilang isa sa mga orihinal na nanirahan sa Baguio City.

Ipinaliwanag ni Cocoy na hindi nakikipag-kompetensiya ang mga Ibaloi sa iba pang tribong naninirahan sa City of Pines.

Maliban sa mayaman na kultura ay tampok din sa aktibidad ang iba’t ibang produktong gawa ng mga Ibaloi.