-- Advertisements --

Magpapatayo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng K9 academy.

Ito ang magiging kauna-unahang training facility sa mga aso sa buong Southeast Asia.

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang groundbreaking ceremoy sa itatayong pasilidad sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga.

Magiging katuwang dito ng PCG ang Philippine Ports Authority (PPA).

Kayang magturo ang pasilidad ng nasa 100 K9 forces at 100 handlers na siyang tutulong sa mga kapulisan at sundalo ng bansa.

Binubuo ng limang organisasyon ang pasilidad gaya ng Canine Development Center, Canine School, Canine Breeding Center, Canine Hospital at Kennel Management and Biosecurity.