Inilabas na ng National Science Foundation ang kauna-unahang larawan ng black hole.
Ayon kay Sheperd Doeleman, director ng Event Horizon Telescope Collaboration (EHT), ang global network of telescopes sa iba’t ibang dako ng mundo ang nakakuha ng larawan sa black hole o tinatawag na Messier 87 o M87.
Umabot sa mahigit 200 researchers ang nakibahagi sa nasabing project kung saan mahigit sa isang dekada nila itong masusing sinaliksik.
Ang M87 ay malapit sa tinaguriang Virgo galaxy cluster o tinatayang nasa 55 million light-years ang layo mula sa daigdig. Ang isang light year na travel ay katumbas ng isang isang.
Ang black hole ay mayroong 6.5 billion beses na mas malaki pa sa araw at three million beses na mas malaki sa daigdig.
Makikita sa larawan ang maliwanag na “ring of fire” na nakapalibot sa itim na butas.
Ang maliwanag na bilog ay mula sa superheated gas na nahuhulog sa butas.
Ang black hole ay isang bahagi ng kalawakan na kung saan maging ang ilaw ay puwedeng makawala dahil sa labis na puwersa ng gravitational effect.
Sinasabi rin na ang black hole ay lugar na “point of no return.”
Kapag pumasok daw dito ang anumang mga bagay tulad ng stars, planets, gas, dust at maging mga “electromagnetic radiation” ay mistulang nilalamon ng supermassive at monster na blackhole.
Ang nasabing visual confirmation ng black hole ay nagpapatunay sa naging theory noon ni Albert Einstein na general relativity.
Nahulaan din ni Einstein na magkakaroon ng matinding gravity ang dense, compact regions of space.
Napatunayan din sa bagong pag-aaral na ito na naging tama ang teorya ni Einstein na pag-iral ng black hole mahigit 100 taon na ang nakakalipas.
Ang findings na ito ng mga scientists ay nagdulot naman ng matinding excitement sa mga eksperto na matagal nang nag-aaral sa isyu ng black hole.