Bumisita sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon si Lithuanian Foreign Minister Gabrielius Landsbergis para sa kaniyang tatlong araw na official visit sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang pagbisitang ito ng naturang Lithuanian official ay layuning isulong ang close bilateral ties ng Pilipinas at Lithuania.
Sa kasagsagan ng tatlong araw na kaniyang pagbisita sa ating bansa mula Abril 23 hanggang Abril 25, 2024 ay nakatakda itong makipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan inaasahang sesentro ang kanilang talakayan sa mga usapin sa Regional at international issues at mutual concern.
Ayon sa DFA, bukod dito ay inaasahang mapag-usapan din ang mga usapin na may kaugnayan sa pagpapaigting pa sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa pagdating sa iba’t-ibang larangan tulad ng trade and investments, clean energy, science and technology, kabilang na rin ang health and laser technology, at people-to-people links.
Samantala, kasabay nito ay nagpahayag naman ng kumpiyansa ang ahensya na ang pagpapalitan ng pananaw ng dalawang opisyal ay nagbibigay-diin sa shared commitment ng Pilipinas at Lithuania sa kapayapaan, katatagan, at pagsunod sa rules-based international order.