CENTRAL MINDANAO-Manunumpa na ang bagong halal na Gobernadora sa probinsya ng Cotabato na si Incumbent 2nd District Congresswoman Nancy Catamco.
Gagawin ang oath taking sa Capitol Gymnasium, Provincial Capitol Barangay Amas, Kidapawan City ngayong darating na Hunyo 30 alas 9:00 ng umaga.
Manunumpa si Governor Catamco kay Executive Judge Arvin Sadiri Balagot na dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Nagwagi si Catamco noong nakaraang eleksyon na may botong 272, 249 laban kay Carmen Mayor Manong Roger Taliño na nakakuha naman ng 268,718.
Maituturing na makasaysayan ang pagkahalal ni Catamco sa mga katutubo sa probinsya ng Cotabato.
Tinaguriang “Ang Diwata ng Mt. Apoâ€si Catamco na isang Manobo at kauna unahang Lumad Governor na naihalal sa North Cotabato.
Prayoridad ni Catamco sa kanyang pag-upo ang kapakanan ng mga mahihirap na pamilya sa probinsya at mga proyektong pakikinabangan ng taong bayan.