-- Advertisements --
Inilunsad na ng South Korea ang kauna-unahang military communication satellite.
Katuwan nilang ang private operator na SpaceX na layon ay mapalakas ang kanilang defense capacities.
Ayon sa South Korea na misyon ng ANASIS-II na depensahan ang sariling bansa laban sa nuclear-armed na North Korea.
Dinala ng Falcon 9 rocket ang nasabing satellite at ito ay matagumpay na lumipad sa Cape Canaveral Air Force Station sa Florida.
Agad na naideploy ang satellite matapos ang 32 minuto ng ito ay lumipad.
Ang South Korea Defense Acquisition Program Administration (DAPA) lamang ang siyang pang-sampung bansa na mayroong sariling military only communications satellites sa buong mundo.