-- Advertisements --
image 263

Natapos na ng North Korea ang paggawa sa kauna-unahan nitong military spy satellite.

Sa inilabas na report ng state media sa North Korea, plano umano ni North Korean Leader, Kim Jung Un na ilunsad ang mga nasabing satellite ngunit wala pang takdang araw.

Tinukoy ni Kim na ang pagkakaroon nila ng operational na military reconnaisance satellite ay mahalaga para maging maayos ang paggamit ng Korea sa lahat ng Nuclear missile nito.

Tinukoy rin ni Kim ang aniya’y seryosong security threat na kinakaharap ng North Korea dahil sa umano’y hayagang pagkakaibigan ng Estados Unidos at South Korea, lalo na ang mga isinasagawang military drills.

Ani Kim, mahalaga ang mga missile tests sa ilalim ng North Korean military dahil sa bahagi na ito ng kanilang security operations.

Matatandaang kamakailan lang nang isagawa ng US at South Korea ang pinakamalaking joint military drill sa loob ng teritoryo ng South Korea na ikinagalit naman ng North Korea. Bilang tugon, una ring nagpalipad ang North Korea ng ilang missile, bagay na ikinatakot din ng mga karatig bansa, kabilang na ang Japan.

Top