-- Advertisements --

Naging matagumpay ang isinagawang media launch ng League of Cities of the Philippines ng kanilang kauna-unahang Mobile Legends: Bang Bang (LCP MLBB) National Tournament.

Ang nasabing torneo ay magsisimula mula Nobyembre 2024 (online) at sa Pebrero 2025 (in-person championship).

Layon ng nasabing torneo ay maisali ang lahat ng 149 na lungsod sa bansa para maipakita ang galing ng mga kabataan nila sa e-sports.

Dumalo sa paglulunsad ay sina of LCP Focal Mayor for Youth and Sports Development at Victorias City Mayor Javi Benitez; LCP Acting National President at Quezon City Mayor Joy Belmonte at si AJ Ponce bilang LCP MLBB Commissioner.

Ilan sa mga aktibidad na nakatakda ay sa darating na Nobyembre 14 ay ang Online Information Session sa lahat ng mga lungsod kung saan tinalakay ang mga panuntunan ng laro habang sa Nobyembre 20 ay gaganapin ang Gameplay briefing sa mga official city players at sa Nobyembre 22 ay magsisimula agad ang regional playoffs.

Mayroong inisyal na premyong makukuha ang mga magwawagi ng P3-milyon.

Bawat lungsod ay maaring magpadala ng dalawang koponan na isasabak sa nasabing torneo kung saan may ilang mga lungsod na rin ang sasagot sa mga uniporme ng kanilang mga manlalaro.