BAGUIO CITY – Nakoronahan ang isang Pilipina bilang kauna-unahang Mrs. ECO International sa coronation night ng nasabing pageant sa Las Vegas, Nevada.
Kinoronahan si Mrs. ECO Philippines Shiela Teodoro DeForest, 45, bilang Mrs. ECO International 2019.
Nakuha naman ni Mrs. ECO Norway ang 1st runner-up, si Mrs. ECO USA bilang 2nd runner-up at si Mrs. ECO Costa Rica bilang 3rd runner-up.
Sa pinal na question round, natanong sa kanya kung paano niya isasama ang mga programa ng ibang mga bansa na kaiba ang pananaw sa kanyang sariling pananaw.
Ayon kay DeForest, “I have had the opportunity to travel to 55 countries and I have seen that environmental issues could be similar or a little bit different. But at the end of the day, it all comes back to nature and how we take care of our environment.”
Dinagdag niya na kung sakaling mananalo ito ay gagawin niya ang lahat para maging kinatawan ng organisasyon at advocate sa pagprotekta ng kapaligiran.
Napanalunan pa nito ang Best ECO Costume, Best ECO Video at Charitable Giving.
Na-highlight sa ECO video ni DeForest na karamihan ay nakuha sa Baguio City ang environmental challenges sa City of Pines at ipinakita pa kung paanong unti-unting inaapektuhan ng mga nasabing environmental problems ang lalawigan ng Benguet.
Si Mrs. ECO International 2019 ay nagtapos ng kursong turismo sa University of the Philippines at naging ramp model sa loob at labas ng bansa.
Nagtrabaho pa ito bilang press officer ng British Embassy of Manila bago naging flight attendant.
Nakabase siya ngayon sa Colorado kasama ang asawang si Timothy DeForest na isang piloto.