-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 01 10 35 14

VIGAN CITY – Naitala ang unang kaso ng pagkasawi dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Abra.

Ito ay isang 84-anyos na taga Padangitan, Danglas, isang locally stranded individual (LSI) mula Antipolo City.

Nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ang biktima nang makarating ito sa nasabing lalawigan kaya agad na naisailalim sa RT PCR testing at napag-alamang positibo.

Labing apat na araw na lumaban ang biktima sa pagkakaapekto niya sa virus hanggang hindi na ito nakayanan ng kanyang katawan kaya binawian na ng buhay kagabi lamang.

Gayunman, maililibing ang bangkay ng biktima sa loob ng 12 oras matapos ang kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, nananatiling siyam ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing lalawigan na kasalukuyang nasa provincial isolation unit at 10 naman ang naitalang recoveries.