-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $7-milyon o katumbas ng halos P400-M ang basketball jersey ng namayapang si Kobe Bryant.

Ayon sa Sotheby’s Auction sa New York City, na ang Los Angeles Lakers jersey ay kaniyang kauna-unahang isinuot sa pre-season at regular season.

Nagamit niya ito sa pitong laro mula 1996-97 rookie season kabilang ang October 16 pre-season debut at noong Nobyembre 3 regular season debut noon 1996 ganun sa kaniyang NBA media day.

Ito na ang pang-apat na pinakamahal na gamit na naisuot ng isang atleta.

Nangunguna dito ang jersey ng baseball star Babe Ruth na nabili sa halagang $24-M , jersey na suot ni Michael Jordan noong 1998 NBA Finals na nabili sa halagang $10.1 milyon at ang damit ni soccer star Diego Maradona noong 1986 World Cup na nabili sa halagang $9.3-M.

Sa Bryant collectible ay nalagpasan nito ang $5.85-M na halaga na suot niya noong 2007-08 Most Valuable season jersey.

Magugunitang pumanaw ang five-time NBA champion sa edad na 41 noong Enero 2020 ng bumagsak ang sinakyang helicopter kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.