Target na mai-turn over sa buwan ng Disyembre ang kauna-unahang housing unit na nagawa sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program(4PH) na proyekto ng Administrasyong Marcos.
Ang mga naturang pabahay ay ipinatayo sa lungsod ng Bacolod na binubuo ng kabuuang 288 housing units.
Una rito ay nagsagawa si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ng inspeksyon sa mga naturang pabahay habang nagpapatuloy ang konstruksyon sa mga ito.
Nasa final stage na rin umano ang mga naturang pabahay, batay sa isinagwang inspeksyon.
Ayon kay Sec. Acuzar, bahagi ang mga ito ng pagnanais ng pamahalaan na mabigyan ng maayos na pabahay ang mga mahihirap na pamilya na kwalipikadong benepisyaro ng Pabahay Program.
Dagdag pa ng kalihim, tugon ito ng naunang kautusan ni PBBM na maglaan ng maayos na pabahay sa mga pamilya na nahihirapang magkaroon ng maayos na matitirhan.