CENTRAL MINDANAO-Sa paggunita ng kauna-unahang National Commission on Higher Education (CHED) Day at ika-27th Anniversary ng ahensya, nagpakawala ang University of Southern Mindanao ng abot mahigit sa limang libong tilapia fingerlings.
Ginanap ito sa tanyag na Lake Pisan na isang tourism site sa Bayan ng Kabacan. Kasama si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. at USM President Francisco Gil N. Garcia kanilang pinakawalan ang nasabing mga isda.
Nagpasalamat si Mayor Guzman sa inisyatibo ng USM at aniya makakatulong ito upang mapasigla ang turismo ng bayan.
Maliban sa pagpapakawala, nagkaroon din ng aktibidad ang USM sa Kabacan na kinabibilangan ng biking at iba pa.
Kaugnay nito, siniguro ni SB Committee on Education at ABC President Evangeline Pascua-Guzman na nakasuporta ang LGU-Kabacan at Liga ng mga Barangay sa mga aktibidades ng mga paaralan lalo pa’t isa ang kaalaman na magbibigay ng tulong upang mas umunlad ang bayan.
Nangako rin ito na kanyang paghuhusayan ang kanyang paninirbisyo sa mga tanggapan ng DepEd at CHED.
Samantala, dumalo rin sa aktibidad Cons. Leah Saldivar at Cons. Fathma Guiabar.