Pumanaw na ang kauna-unahang pangulo ng Namibia na si Sam Nujoma sa edad na 95.
Kinumpirma ni Namibian President Nangolo Mbumba ang pagpanaw ni Nujoma sa bahay nito sa Windhoek.
Matapos ang tuluyang maging malaya ang Namibia ay naupo siya bilang pangulo mula 1990 hanggang 2005.
Sinabi ni President Mbumba na noong nakaraang tatlong linggo ay na-confine sa pagamutan ang dating pangulo.
Nakilala si Nujoma na siyang matagal na lumaban para makuha ang kalayaan ng Namibia sa South Africa noong 1990.
Taong 2007 ng bumaba ito sa puwesto bilang namumuno ng ruling party na Swapo party matapos ang 47 taon na panunungkulan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at pagdadalamhati si African Union Commission chairman Moussa Faki Mahamat at ilang lider ng bansa matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng dating pangulo.