-- Advertisements --
Pumanaw na si dating Zambian President at Independence leader Kenneth Kaunda sa edad 97.
Ayon sa kaanak nito na noong nakaraang buwan ay itinakbo na ito sa military hospital sa Lusaka dahil sa isang karamdaman na hindi na ibinunyag kung ano ito.
Si Kaunda ay siyang unang pangulo mula ng lumaya ang South African country sa Britanya.
Siya ang unang charismatic president mula 1964 hanggang 1991.
Dahil dito ay idineklara ang 21-day period of national mourning.