Pumanaw na ang kauna-unahang Paralympic champion ng Great Britain na si Margaret Maughan sa edad 91.
Nakilala si Maughan ng makakuha ng gold medal sa archery noong 1960 Paralympics sa Rome at lumahok pa ito ng limang mga laro.
Ilan sa mga larong nilahukan nito ay ang swimming at 50 m backstroke noong 1960 Paralympics kung saan siya lamang ang lumahok.
Naglaro din ito ng dartchery pinaghalong laro ng darts at archery noong 1972 at lawn bowls noong 1980.
Isinulong niya ang Paralympic movement at isa siya sa napiling magsindi ng cauldron sa pagbubukas ng 2012 Paralympics sa London.
Naging paralisado ito ng maaksidente sa kalsada noong 1959 kung saan mula beywang pababa ay na-paralyzed na ito.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at kalungkutan ang British Paralympc Association na pinamumunuan ni Nich Webborn.