Nakatakdang isagawa ng DOJ ang unang preliminary investigation ngayong araw Hulyo 5, sa kaso ng suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ilang iba pa para sa qualified trafficking in persons.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa harap ng DOJ noong Hunyo 21, 2024.
Batay sa reklamo, sinasabing si Guo at 13 iba pang respondents ay sangkot sa pagtatatag o operasyon ng Baofu compound dati Hongshen Technology.
Kalaunan, ito ay naging Zun Yuan Technology, parehong POGO hub na iniulat na sangkot sa forced labor, human trafficking, online fraud at investment scams.
Dagdag pa, ang mga respondent ay diumano ay ganap na alam ang mga ilegal na aktibidad na nagpapatuloy sa loob ng Baofu compound.
Kung maaalala, natuklasan at naitatag ng mga awtoridad ang malapit na ugnayan sa pagitan ng Zun Yuan sa Baofu compound kay Guo at dito sa mga respondent na nagresulta sa pagsasampa ng mga kasong ito.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, lahat ng mga akusado ay walang ligtas sa isasagawang imbestigasyon ng DOJ.