-- Advertisements --

Hati sa ngayon ang atensyon ng kauna-unanang Filipina boxer na lalaban sa Olympics na si Irish Magno.

Hindi ito makapag focus sa training dahil sa pag aalala sa pamilyang naiwan sa Iloilo.

Sa exclusive interview ng Star Fm Iloilo kay Magno ,sinabi nitong dalawang buwan na itong hindi nakakapagpadala ng pera sa kanyang pamilya dahil hindi pa nya natatanggap ang kanyang allowance mula sa Phil Sports Commission o PSC.

Paliwanag ni Magno dapat buwan –buwan ay nakakatanggap ang bawat atleta ng allowance mula sa PSC.

Ngunit simula nang sila’y nagbubble training sa Calamba, Laguna dalawang buwan na ang nakakalipas ay wala pa itong natatanggap .

Nasasaktan ito na walang maipapadalang pera sa pamilya dahil siya lang ang inaasahan ng mga ito.

Sa ngayon ay nasa Thailand si Magno at nagpapatuloy ng kanyang on line training kahit naka quarantine.

Gaganapin ang Tokyo Summer Olympics sa July 23 hanggang August 8 ngayong taon.