BAGUIO CITY-Magsisilbing host ang lalawigan ng Benguet sa kauna-unahang “Pilipinas Para Games” na pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Mag-uumpisa ang 2019 Pilipinas Para Games sa Mayo 9 hanggang Mayo 11, 2019 at inaasahang makikibahagi dito ang mahigit 1,500 na atleta.
Ayon kay PSC Oversight Commissioner for Para-athletes Arnold Agustin, ang naturang sports event ang papalit sa Differently-Abled Sports for Life na programa ng komisyon noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag niya na sa pamamagitang ng bagong torneyo ay mas maipakikita ng mga para-athletes ang kanilang talento at abilidad.
Maglalalaban-laban ang mga para-athletes mula sa 13 na bayan sa Benguet sa walong laro, partikular ang chess, badminton, volleyball, powerlifting, table tennis, athletics at goalball habang magsisilbing demo sports ang archery at wheelchair basketball.