-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pormal ng nabuksan at naisagawa ang blessing sa solar streetlights na naipatayo sa kahabaan ng bypass road ditoy sa lungsod ng Laoag hanggang sa bayan ng Bacarra.

Ito ay sa pamumuno ni 1st District Congressman Sandro Marcos na siyang itak sa nasabing proyekto kasama ng ibang mga opisyal dito sa lungsod.

Ayon kay Marcos, ang paglagay ng mga solar streetlights sa nasabing lugar ay ang kanyang unang proyekto simula noong nahalal na congressman sa Ilocos Norte.

Aniya ito ang kanyang naisipan dahil maraming nangyayaring aksidente sa lugar dulot ng kakulangan ng ilaw.

Dahil dito, inaasahan ni congressman Marcos na bumaba ang kaso ng mga aksidente sa bypass road lalo na ang bilang ng mga namamatay.

Samantala, plano rin ni Marcos na madagdagan ang solar street lights hanggan sa malagyan ng ilaw ang lahat ng kanyang nasasakupang distrito.

Una rito, ipinaalam ni Department of Public Works and Highways 1st engineering district engr. Glen Miguel na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P300 milyong.