-- Advertisements --

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng kauna-unahang National Capital Region Regional Community Defense Group (NCRRCDG) Reserve Officer Training Corps (ROTC) Fancy Drill Competition.

Ito ay ginanap mismo sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio sa lungsod ng Taguig.

Kabilang sa mga lumahok ay ang ROTC unit mula sa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

Sa nasabing programa ay nagpamalas ang mga ito ng kanilang husay sa rifle drills.

Naging kampeon sa kompetisyon ang ROTC unit ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Nakuha naman ng Makati Science Technological Institute of the Philippines ROTC Unit ang 1st Runner Up habang 2nd Runner up ang UP Diliman ROTC Unit.

Nagpaabot naman ng pagbati si Phil. Army Reserve Command (RESCOM) Deputy Commander Brig. Gen. Samuel B. Manzano sa 400 ROTC cadets na nakilahok sa aktibidad.

Binigyan din nito ng kahalagahan ng ROTC program ng AFP na layong mahubog ang susunod na lider ng bansa.

Makakatulong din ito para maisulong ang community engagement na importante para sa patuloy na kaunlaran ng Pilipinas.