-- Advertisements --

Inilunsad na ng China ang kanilang unang rover mission sa Mars.

Mula sa Wenchang spaceport sa Hainan Island ay lumipad ang six-wheeled robot.

Inaasahan na ito ay darating sa planetang Mars sa buwan ng Pebrero.

Tinawag ito na Tianwen-1 o “Questions to Heaven” na hindi umano ito lalapag sa Mars ng hanggang tatlong buwan.

Ang wait-and-see stategy ay ginamit na ng American Vikings landers noong 1970 kung saan pag-aaralan ng mga engineers ang atmospheric conditions ng nabanggit na planeta.

Isa lamang ito sa tatlong mission settings sa Mars sa kalawakan sa loob ng 11 na araw.

Magugunitang noong nakaraang Lunes ay inilunsad na rin ng United Arab Emirates (UAE) ang Hope stallite patungo sa Red Planet at sa susunod naman na araw ay ilulunsad din ng US space agency na NASA ang Perseverance rover.