-- Advertisements --
Sakura Park Atok Benguet
Sakura Park in Atok, Benguet

BAGUIO CITY – Lalo pang nagiging tanyag ang kauna-unahang Sakura Park sa Paoay, Atok, Benguet kung saan matatagpuan ang makukulay na Cherry Blossom Tree mula sa Japan.

Ayon kay Cheryl Sano, Municipal Tourism Officer ng Atok, magiging tatlong taon na sa Hunyo ang mga Sakura Tree na naitanim noong 2016.

Aabot sa 40 Sakura Trees ang naitanim sa kilalang Benguet-Kochi Sisterhood Park sa Atok, Benguet.

Ayon kay Sano, mula pa noong Marso ay sunod-sunod ang pagbulaklak ng mga Sakura Tree ngunit tumatagal lamang sa dalawang linggo ang kanilang mga bulaklak.

Ipinagmalaki ng tourism officer na dumarami ang mga turistang namamasyal doon lalo na kapag weekend.

Aniya, mula noong Hunyo ng kasalukuyang taon ay mayroong P30 na sinisingil sa mga mamasyal sa Sakura Park para sa environmental fee at maintenance ng parke.