Binago ng Department of Transportation (DOTr) ang target date para sa pagkumpleto ng kauna-unahang subway ng Pilipinas na Metro Manila Subway Project na tinaguriang “Project of the Century”.
Ayon sa ahensiya target matapos ang konstruksiyon ng subway sa taong 2028 o bago matapos ang termino ng Marcos administration at bubuksan sa publiko sa taong 2029.
Paliwanag ni DOTR Assistant Secretary for Rails Jorjette Aquino na hindi na itinuloy ang unang plano na paunti-unting pag-operate ng subway sa Valenzuela, Tandang Sora, at North Avenue stations sa taong 2027 dahil hindi ito optimize o epektibo para sa mga pasahero.
Kung kayat target na gawing full operational na lamang ang subway sa taong 2029.
Ayon sa opisyal, 33% ng tapos ang subway project sa Valenzuela na isang 33 kilometer underground rail.
Base sa feasibility studies, magiging 41 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Valenzuela City at Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto at kayang magsakay ng humigit kumulang 519,000 pasahero kada araw.
Ang Metro Manila Subway ay isang subway system na magdudugtong sa QC, Ortigas-Pasig, Makati, BGC-Taguig at Pasay. Gayundin konektado ito sa MRT-3, LRT-2 at Philippine National Railway lines.