Naibenta sa auction ang kauna-unahang Short Message Sent (SMS) o text message na naipadal sa buong mundo.
Nagkakahalaga ito ng $149,729 bilang non-fungible token (NFT) sa Aguttes auctioneer.
Makikita sa nasabing mensahe na “Merry Christmas” na ipinadala ni British programmer na si Neil Papworth mula sa kaniyang computer noong Disyembre 3, 1992 kay Richard Jarvis ang dating dircector ng UK telecommunications na Vodafone.
Natanggap ni Jarvis ang mensahe mula sa kaniyang Orbitel 901 cellphone sa kasagsagan ng kanilang Christmas party ng kumpanya.
Ang NFT ay replica ng original communication protocol na nagta-transmit ng SMS.
Hindi na pinakilala ang buyer na binili gamit ang cryptocurrency.
Matatanggap nito ang mensahe sa pamamagitan ng digital frame na mayroong 3D animation ng natanggap na mensahe.