-- Advertisements --

Pumanaw na ang US-born na dating sumo wrestling champion na si Akebono sa edad 54.

Inanunsiyo ng kaniyang pamilya na dahil sa heart failure at sa pagamutan sa Japan na ito nalagutan ng hininga.

Isinilang si Chad George Ha’aheo Rowan sa Hawaii at siya ang unang naging non-Japanese yokuzona isang sumo grand champion.

Nagkampeon ito ng sumo wrestling ng 11 beses.

Matapos ang pagiging Yokozuna noong 1993 ay naging Japanese citizen na ito noong 1996.

Nagretiro ito sa sumo noong 2001.

Habang noong 2003 ay naging pro-wrestler ito sa ilalim ng Japanese mixed martial arts promotion na K-1.

Mula pa noong 2017 ay itinakbo na ito sa pagamutan matapos ang isang laban at doon na nagsimulang humina ang kaniyang kalusugan.