-- Advertisements --
Nakatakdang magbukas sa London sa buwan ng Nobyembre sa kauna-unahang pagkakataon ang Vagina Museum.
Layon ng nasabing museum ay para maturuan ang mga bisita tungkol sa vulva at vagina.
Nagmula ang nasabing ideya sa pamamagitan ng crowdfunding campaign na Florence Schechter na nakalikom ito ng mahigit $62,000 o katumbas ng mahigit P3.2 million.
Naisip daw niyang magbukas ng nasabing museum bilang pantapat sa Penis Museum na makikita sa Iceland.
Temporaryong bubuksan ito sa Nobyembre 16 sa Camden Market.