-- Advertisements --

Posibleng maibenta sa auction sa halagang $1 milyon ang unang Yeezy sneakers na sinuot sa publiko ni Kanye West.

Ang Nike Air Yeezy 1 Prototype ay isinuot ng American rapper noong 50th Annual Grammy Awards 2008.

Ayon sa Sotheby auction house na maaaring ito na ang pinakamahal na pares ng sapatos na kanilang ibebenta sa auction.

Isasagawa ang private sale matapos na ito ay nai-display sa Hong Kong ngayong buwan.

Bagamat hindi nila binanggit ang asking price subalit naniniwala sila na aabot ito ng $1 million.

Ang nasabing sapatos ay unang nabili ng collector na si Ryan Cheng na Yeezy size 12.

Sa kasalukuyan kasi ay itinuturing na pinakamahal na sapatos na naibenta sa auction ay ang isang pares ng Nike Air Jordan 1 na isinuot ni NBA legend Michael Jordan noong 1985 at ito ay nagkakahalaga ng $615,000.