-- Advertisements --

Nabili sa auction sa halagang $1.8 milyon ang kauna-unahang Yeezy sneakers ng rapper na si Kanye West.

Ang nasabing sneakers na binili sa Sotheby’s auction ay nagtala ng record sa may pinakamahal na sneakers na nabili.

Isinuot ng American rapper ang nasabing NIke Air Yeezy samples noong 2008 Grammy awards.

Nakita ito sa performance ni West sa Grammys.

Isang may-ari ng investing platform na RARES ang nakabili ng sneakers kung saan pinapayagan ang mga users na mag-invest sa sneakers sa pagbili at trading shares.

Nahigitan na nito ang pinakamahal na sneakers na naunang nabili na isang 1985 Air Jordan 1 na desenyo at isinuot ng NBA legend na si Michael Jordan na nabili sa halagan $560,000 sa nasabi rin auction house.