BUTUAN CITY – Nasa 85.51-porsientong actual accomplishment na ang construction ng kauna-unahang earthquake-resistant bridge sa Pilipinas na ipapalit sa gumuhong Anao-aon Bridge sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte, nang tumama ang 6.7 magnitude na lindol.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH-Region XIII) nasa mahigit P180 milyon na ang nagastos sa nasabing tulay na magrepresenta sa world-renowned design na may advance at modernong teknolohiya sa bridge construction gamit ang corrugated steel plates (CSP) bilang primary material na subok na sa pagtatayo ng earthquake resistant na tulay.
Sa ngayon ay humihiling ang DPWH-Caraga ng augmentation na aabot sa mahigit P75-M para sa infra program sa susunod na taon, upang makumpleto ang trabaho sa pag install ng CSP, backfill, at concrete slab bilang carriageway.
Kaugnay nito umaasa ang mga commuters sa nasabing probinsya nga magtatapos na ang araw-araw nilang pagtawid sa one-lane na bailey bridge at ang iilang oras nga masasayang dahil sa traffic congestion.
Maalalang noong Pebrero 10, 2017 ng gabi ay niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang probinsya sa Surigao del Norte.