-- Advertisements --
Epektibo na ang Executive Order 104 na nagtatakda ng bawas sa presyo ng mga pangunahing gamot sa bansa.
Sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III, na aabot sa 87 na mga gamot para sa sakit na hypertension, diabetes, breast, colorectal at lung cancer ganun ang chronic kidney disease, asthma o chronic obstructive pulmonary disease o COPD.
Ang nasabing EO ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 17 na nagsasaad ng maximum retail price at maximum wholesale price ang mga gamot na mas mababa ng hanggang 50 porsyento.
magbibigyan rin ng 20 percents ang mga senior citizens at persons with disability na bibili ng nabanggit na mga gamot.