Aminado ang Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa kawalan ng panuntunan bigo nitong aprubahan ang 4th regulatory reset application ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, kinumpirma ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta na “walang existing na mga patakaran matapos mag lapsed ang 3rd regulatory period.”
Batay sa orihinal na timeline, ang ika-4 at ika-5 na regulatory reset ng NGCP ay dapat sumaklaw sa mga taong 2016 hanggang 2020 at 2021 hanggang 2025.
Gayunpaman, binago ng ERC ang timeline ng pag-reset ng regulasyon sa 2016 hanggang 2022 at 2023 hanggang 2027.
Paliwanag ni Dimalanta taong 2020 nag apply ang NGCP ng interim rate na nuon ay wala pang valied at approved rates mula 2016 hanggang 2020.
Dagdag pa ni Dimalanta nakasaad matapos mag isyu ang ERC ng interim maximum allowable revenue, kailangan pa rin sumailalim sa full reset para i correct ang tamang rates.
Nang tanungin ni House Committee on legislative franchises Chairperson Gus Tambunting kung anong panuntunan ang dapat sundin ng NGCP, inamin ni Dimalanta na dapat resolbahin ng ERC ang 4th regulatory reset imbes na dumipende sa interim arrangements.
Sa kabilang dako, nanindigan ang NGCP na walang delay sa kanilang Transmission infrastructure projects.
Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza, assistant VP at head ng Public Relarions ng NGCP na nasunod nila ang nakatakdang timeline para sa nasabing proyekto
Inihalimbawa nito ang malaking transmission projects sa visayas na natapos sa loob ng apat na taon.
Sinabi ng opisyal na sa kabila ng ilang regulatory delays nagawan naman ito ng paraan.
Inihayag ni Alabanza na ilan sa nakaka-apekto ay ang ruling ng Supremce Court na hindi pwedeng mag implement ng proyekto ang NGCP kung walang approval mula sa Energy Regulatory Commission.
Samantala, binigyang diin naman ni Rep. Tambunting na mahalaga na makita ng komite ang mga naiulat na delay sa mga power transmission projects.
Giit ni Tambunting na ang pinaka layunin ng pagdinig ay matiyak na magkaroon ng sapat na kuryente ang bansa at magkaroon ng isang cost effective rates.