-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ikinababahala ngayon ng pamahalaan ng Republic of Congo ang pagtama ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Bombo international correspondent Gerry Ruiz – netibong taga-Brgy. Talisay, Nasipit, Agusan del Norte at chef ng isang restaurant sa capital Kinshasha, may iilang lugar na sa nasabing bansa na nagtala na ng kaso sa nasabing coronavirus kung kaya’t ipinatupad ang lockdown rason na sarado ngayon ang ibang mga establisamiento at negosyo maliban sa mga restaurants, botika at bangko.

Mas ikinababahala ng pamahalaan ng Congo ang kawalan nila ng mga ospital na gagamot sa mga COVID-19 patients at kawalan ng tamang mga pasilidad.

Nadagdag pa sa kanilang pag-aalalang tataas ang bilang ng dadapuan sa nasabing virus ang kakulangan ng kaalaman ng mga local residents sa proper hygiene hatid na rin sa kakulangan nila ng edukasyun at sa kahirapan.

Maliban pa ito sa hindi pagsunod ng mga locals sa kautusan ng gobyerno gaya na lang sa pagsusuot ng face masksm tuwing lalabas ng bahay.

Doble-ingat din sila palagi dahil sa mga nagaganap na kremin gaya ng robbery, akyat-bahay at iba pa.