-- Advertisements --

Dismayado pa rin ang Alliance of Concerned Teachers dahil sa tila pagbingi-bingihan ng gobyerno lalo na ng Department of Education na pakinggan ang panawagan na ibalik sa April-at May ang summer break.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vladimir Quetua, Chairman ng Alliance of Concerned Teachers, sinabi nito na habang tumatagal,kasabay ng pagsimula ng summer season, lalong nahihirapan ang mga estudyante.

Aniya, problema din ang kawalan ng school nurses na sasaklolo sa mga excessive heat victims.

Ayon kay Quetua, apektado ang performance ng mga estudyante maging ng mga guro dahil sa halin na magfocus sa pag-aaral, mas nakatuon ang kanilang atensyon upang maibsan ang init sa loob o labas ng silid-aralan.

Matandaan na tinatayang 104 mga estudyante sa Gulod National High School – Mamatid Extension sa Cabuyao, Laguna ang naospital umano matapos mahilo at mahimatay dahil sa init ng panahon habang isinasagawa ang fire drill noong nakaraang linggo.