-- Advertisements --

Nananawagan uli si Marlon Pantat De Guzman na taga Barangay Capataan, San Carlos City Pangasinan at leader ng HELLO Capataan Group na palaging nagbibigay ng mga charity health care program, tulad ng feeding program, giving vitamins to childrens at walang patid na free Reliv Now milk ang food supplement sa buong Barangay sa mga magulang para sa kanilang mga anak.

Ang mga Barangay Officials ng nasabing Barangay na aksyonan ang mga streetlights na walang ilaw sa Barangay lalo na sa Barangay plaza at harap ng Barangay Chapel at mga iba pang lugar.

Ang kalsada ay ginagawang tambayan ng mga kabataan sa gabi at nagku kumpol kumpolan kahit bawal dahil pinapatupad ng covid19 protocols tulad ng mass gatherings at social distancing. Nakakabahala ngayon sa buong Barangay dahil sa sunod sunod na mga namamatay at nagsabay ang limang biktima ng hindi pa matukoy na sakit.

Ang nasabing problema ay pinanawagan na ni Marlon De Guzman sa Bombo Radyo afternoon edition noong nakaraang araw pero hanggang ngayon ay wala parin aksyon ang mga Barangay Officials na pinamumunuan ni Kapitan Rodel Pamintuan.

Ang mga Barangay Kagawad naman ay pinabayaan na nila ang kanilang mga purok na nasasakopan dahil hindi nila ina asikaso ang mga ilaw na ito bagamat halos gabi gabi nilang nakikita ito na walang ilaw at ayon pa sa mga resedente ay hindi na pinapansin ng mga upisyal ng Barangay ang mga daing na problema.

Sunod sunod din ang reklamo ng mga residente dahil sa palaging nagkakaroon ng aksedente sa mga crossing sa nasabing Barangay dahil sa kawalan ng ilaw ng mga streetlights.

Ayon pa sa mga resedente ay hindi na rin gaanong nagro-ronda ang mga tanod dahil walang ilaw sa kalsada at eskeneta at ito ay napakadilim.

Nababahala ang mga tao dahil may mga nakaraang insidente ng mga nakawan ng mga alagang manok na pang sabong at iba pang hayop ang nawawala sa sa nasabing Barangay dahil sa kawalan ng ilaw sa kalsada.

Patunay lamang sabi nila ang pagpapabaya ng mga upisyalis ay nagmumukha silang inutil at hindi maasahan at walang silbi sa kanilang mga sinumpaang tungkulin at inu-una ang mga personal na interest na pam pulutika kesa sa sinumpaang tungkulin sa Barangay na kung saan ay obligasyon nila at sila ay tumatanggap ng kanilang honorarium mula sa Gobyerno.

Ang panawagan ni Marlon De Guzman ay para sa kapakanan ng buong Barangay at hindi maituturing na pampulitika dahil sa kasalukuyan ay nasa Hong Kong sya at isang OFW. Pero ganon paman ay nagagwa niyang e monitor ang kanyang Barangay dahil sa kanyang pagmamahal at malasakit sa mga ito lalo na dahil ang kanyang pamilya ay doon nakatira at namamalagi.