-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ang kawalan ng due process sa pagsasampa ng kaso ang dahilan na ibinasura ni Bayugan City Regional Trial Court Branch 7 acting presiding Judge Fernando Fudalan Jr. ang mga kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban kay community doctor-activist Dr. Natividad ‘Naty’ Castro.

Base ito sa resolution na inilabas ng huwes nitong Marso a-25 kung saan idinismis ni Judge Fudalan ang maong mga kaso dahil sa kakulangan ng probable cause sa pag-issue ng warrant of arrest.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng abogado ni Dra. Castro na si Atty. Wilfred Asis na lumabas sa pag-aaral ng huwis, ang nasabing mga kaso base sa batas ay walang basehan upang hulihin ang community doctor at tatratuhing parang konbiktado.

Hindi umano basta-bastang magpapalabas ng resolusyon si Judge Fudalan kung nakikita niyang walang due process na ibinigay sa panig ng akusado lalo na kung kulang ang ebidensya.

Dagdag pa ni Atty. Asis, may isinagawa umanong preliminary investigation ngunit hindi sinunod ang batas dahil ang ginawa umanong basehan sa pagsasampa ng kaso ay puro lamang mga alegasyon.