CENTRAL MINDANAO – Personal alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril-patay sa isang kawani ng DPWH-12 sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Apinton Ibrahim, 42, may asawa at residente ng Kimpo Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial director Colonel Donald Madamba, lulan ang biktima sa kanyang minamanehong Toyota Innova na may plakang ZTK-591 sa Barangay Datu Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem assassin gamit ang 9mm pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa naturang kaso.