CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kawani ng gobyerno sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Mosib Asek na empleyado ng Human Resource Department ng Provicial Government ng Cotabato at residente ng Barangay Osias Kabacan Cotabato.
Ayon sa ulat ng Kabacan Municipal Police Station na lulan ng ambulansya ang biktima patungo sa kanyang trabaho ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Matalam Cotabato.
Naisugod pa sa pagamutan sa Kidapawan City ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.
Personal na atraso ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.