DAVAO CITY – Isasailalim sa surprise Random Drug Testing ang mga kawani ng kapitolyo sa probinsya ng Davao del Norte. Layon nito na maisakatuparan ang kampanya laban sa ilegal na droga at upang maideklarang drug free ang probinsya.
Ayon kay PHRMO Head Edwin Palero, kasabay ng inilunsad na orientation sa Provincial Legal Office, kabilang sa mga isasailaim ang lahat ng regular, plantilla, asual, job order, honorarium, contract of service workers at mga elective official sa pamahalaan.
Awtomatiko aniyang mawawalan ng trabaho ang mga kawani na nasa Job Order kapagka mapatunayang magpositibo ito sa paggamit ng ilegal na droga, habang bibigyan naman ang 15 na araw ang ibang kawani na magpositibo para sa karagdagang confirmatory test
Isasailalim naman sa Drug Dependency Examination ang plantilla ug casual employee na mabibigo na magsumite sa kanilang sarili para sa drug test, lalo na kapagka wala namang balidong rason o kaya ay napatunayang na nanloko sa resulta ay tiyak na may kakaharaping administrative offense of grave misconduct na maaari pang magresulta sa dismissal sa trabaho.
Irerekomenda rin sa rehab program ang mga magpositibong kawani.
Samantala, ang lahat ng elective at appointive officials na lalabag sa nasabing probisyo ay ii-erndorso sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa disciplinary action.