-- Advertisements --

CENTRAl MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kawani ng water district sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Alex Salcedo, 58 anyos, may asawa,empleyado ng Pikit Water District at residente ng Manampan Street Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo papauwi na sa kanyang tahanan mula sa kanyang trabaho ngunit pagsapit nya sa bahagi ng Sitio Village Barangay Batulawan, Pikit Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa minamaneho ng kanyang kasama.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.