Ibinahagi ni Nikki Gil sa Instagram na na-diagnose ang kanyang anak na si Maddie, tatlong taong gulang, ng Kawasaki Disease.
Ayon kay Nikki, isang sakit na hindi nila pa naririnig, na labis naman nilang piang-alalahanan nang makita ang kanilang anak na dumaranas ng sakit, at sumasailalim sa mga pagsusuri at gamutan.
Gayunpaman, nagpasalamat si Nikki sa mga doktor at sa kanilang mga kaibigan at pamilya na tumulong sa kanilang paglalakbay.
‘We’re finally home with our brave girl, and while recovery continues, our hearts are filled with gratitude,’ post ni Nikki.
Nabatid na ang ‘Kawasaki Disease’ ay isang malubhang kondisyon na nagdudulot ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo at kadalasang dumadapo sa mga bata. Isa rin itong pangunahing sanhi ng acquired heart disease sa mga bata.