-- Advertisements --

CEBU – ISa 31 pinakamagagandang talon sa mundo, isa sa mga talon sa Pilipinas ay kabilang sa Top 10.

Ayon sa London-based travel blogger na si Amanda O’Brien o kilala bilang Boutique Adventurer, ang Kawasan Falls sa bayan ng Badian ay kasama sa listahan ng pinakamagandang falls sa buong mundo.

Ang Kawasan Falls ay matatagpuan sa Barangay Matutinao, 130 kilometro sa timog ng Cebu City.

Nailista ang Kawasan Falls dahil sa malago nitong tanawin sa gubat, matarik na limestone canyon wall, exciting na cliff diving experience, maginaw at magagandang 130-feet multi-layered waterfalls.

Bukod sa Kawasan, napasama rin sa listahan ang Niagara Falls – USA/Canada, Victoria Falls – Zimbabwe/Zambia, Angel Falls – Venezuela, Iguazu Falls – Argentina/Brazil, Yosemite Falls – USA, Akaka Falls – Hawaii, USA, Tegenungan Falls – Indonesia, Gulfoss – Iceland at Rhine Falls – Switzerland.