-- Advertisements --
Clippers kawhi Leonard LA

Nagpakita muli ng big game ang dating two-time MVP finals na si Kawhi Leonard upang bitbitin sa bagong panalo ang Los Angeles Clippers laban sa Dallas Mavericks, 130-122.

Nagtala ng halos triple double performance si Leonard na may 36 points, nine rebounds at walong assists, upang tulungan ang Clippers sa 2-1 lead.

Ito ay sa kabila na malas pa rin sa kanyang laro si Paul George na meron lamang 11 points.

Swerte namang nag step-up si Landry Shamet na nagpakawala ng 18 points habang si Ivica Zubac ay nagdagdag ng 15 para Clippers.

Umepekto rin ang inilatag na depensa ng Clippers laban kay Luka Doncic na nagkasya lamang sa 13 points samantalang ang Dallas All-Star playmaker ay nakatipon ng 70 puntos sa nakalipas na dalawang games.

Sa kabila nito, nagtapos pa rin ng triple-double si Luka na meron ding 10 rebounds at 10 assists.

Noong una ay nagawa pa ng Mavericks na mamantine ang maliit na kalamangan ng kalaban pero umalagwa ng husto ang Clippers nang tumipon ng 25 points sa loob lamang ng anim na minuto sa first half.

Mula rito hindi na hinayaan pa ng LA na makalapit ang Mavs kahit ilang beses pa ang tangkang pag-rally.